Pag may nagtatanong sa akin, anong lugar ang masarap puntahan na makakarelaks ka talaga. Ang lagi ko naaalala ay Baguio City. Ang malamig na kapaligiran, ang madaming puno na nakakadagdag sa kagandahan ng paligid. Sa kabuuhan, parang nawala ka sa pilipinas. Masasabi mo na may ganito pa palang lugar sa pilipinas.
Bagama't madaming tao, local at mga turista. Makikita mo na may disiplina ang mga tao. Hindi tumatawid sa sa kung saan saan lang, napunta talaga sa tamang tawiran. Maging ang mga sasakyan ay hindi mo makikita tinatapakan niila ang guhit ng tawiran ng tao. Makikita mo na may disiplina.
Wala ka makikitang naninigarilyo sa lansangan or kahit saang lugar, dahil ipinagbabawal ito base sa isang ordinanza ng lungsod ng Baguio. Nakakatuwa, turista man o local na residente ay sumusunod dito. maging ang mga bangketa ay para talaga sa mga tao. hindi tulad sa ibang lungsod sa kamaynilaan ang bangketa ay ginagawang tindahan ng kung ano ano at parang walang magawa ang mga mayor at hinahayaan lang, siguro natatakot na mawalan ng boto or dahil may kumikita dito?
Napaka ganda din ng transportasyon, madaming taxi at mga jeepneys ngunit maging sila ay disiplinado. Ang mga taxi ay talagang ginagamit ang kanilang taxi meter, maging piso na sukli ay ibabalik sayo. ngunit dahil nga masunurin sila, 4 na tao lang ang puedeng pasahero kada taxi bale 5 kasama na ang driver. kung higit kayo sa 4 katao mas maigi na kumuha ng isa pang taxi. Maging mga jeep ay hindi nahinto kung saaan saan lang, meron silang terminal at nahinto sa tamang babaan, Ang lahat ay hindi nag uunahan maayos na pumipila ang mga tao. local man o turista ng lungsod. Makikita mo talaga ang disiplina ng bawat isa.
Napakaraming sasakyan, ngunit maayos na umuusad, nakakatuwa na ang mga traffic police ay talagang dumaan sa maayos na traning, makikita mo ito sa kanila na talaga naman napakasisipag na ginagampanan ang kanilang tungkulin na mapa ayos ang daloy ng traffic.
Kahit umikot ka sa buong lungsod, lubhang napakalinis nito. Maging sa mga pampublikong pamilihan, napaka linis, araw man o gabi or kahgit madaling araw pa. ang mag ikot sa kanilang palengke ay lubhang kaaya aya sa paningin, mararamdaman mo ang pag hanga sa pamunuan ng baguio city. Dahil nagawa nitong disiplinahin ang ang kanyang nasasakupan.
Maliit or malalaking tindahan, ang lahat ay nakangiti habang nakikipag usap sayo. Makikita mo handa kang tulungan. Maging sila ay magiliw sa mga turista or local, walang namamantala.
Napakaraming hotel na pagpipilian, sa tuwing ako ay napunta sa baguio city. #session road ang aking paborito, ngayon taon ang napili ko ay ang Prime hotel Baguio. Napaka friendly ng staff, lagi ka binabati. Higit sa lahat hindi mahal, at dahil nga sa nasa session road na sya. ang lahat ay lalakarin mo nalang. Ang burnham park, ang SM Baguio, Ang Baguio Chatedral. At Madami pang iba na talaga namang walking distance lang.
May sasakyan naman ako papunta sa Baguio, pero dahil nga bakasyon, mas pinili ko nalang ang gumamit ng local transport tulad ng taxi. HIndi kana mapapagod friendly pa ang mga taxi drivers, mula session road papunta ng The Mansion 50 pesos lang. Mula sa The mansion Papunta sa Mines View 8 Pesos lang per head sa jeep.
Kung pupunta ka naman sa strawberry farm, Mga 100 pesos lang taxi na yon. Meron din naman jeep na naikot sa strawberry farm. Baguio to Strawberry Farm 14 pesos lang per head,
Kaya kung mag iikot sa baguio mas maige na iparada ang sariling sasakyan at gumamit na lamang ng taxi at jeep.
Kung sa mga kainan naman, napakaraming pagpipilian, lalo na sa session road, hindi kailangan gumastos ng malaki kung nais na mag bakasyon sa baguio city at maramdaman ang magandang simoy ng hangin.
Ang mga park ay open sa publiko, napakasarap mag ikot, at dahil sa malamig ang klema ay hindi agad na nakakapagod. Kaya't sa susunod na magbabakasyon subukan naman ang baguio City.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento