Nais ko lang ibahagi ang naranasan naming mag asawa sa ahente ng sta Lucia realty and development. Noong makita namin sa fb ang lot for sale sa general trias, gandang ganda kami dito. Kahit na medyo nagtataka na sa tagal ng panahon ko sa Cavite, ay nakikita ko na ito, medyo magtaka bakit madami parin ang bakante.
Ngunit maganda talaga ang lugar, kaya nag tripping kami. Nakapili kami, ang tanong ko sa ahente pag nakapagbigay ba kami down payment puede na bakuran? Puede daw kahit bukas na bukas din.
Ngunit pag uwi namin sa bahay, naisip ko, paano pala babakuran kasi parang wala ako nakita na muhon? Kaya tumawag kmi sa ahente kung bakit walang muhon? ( Hindi Yong agent namin ang nag tripping sa amin) ang buyer daw pala ang magbabayad ng survey sa lote. Para malagyan ito ng muhon. Medyo may Mali na. Kasi madalas pag subdivision may mga muhon na at separate na survey plan madalas na kasamang ibigay pag kinuha mo ang copy ng title.
Pero dahil gusto talaga namin ang lote, payag na kaming magbayad ng survey. Ang hinihingi nalang namin ay ang copy ng title.
Pero ang sabi ng agent need muna namin magbayad ng reservation na 10k para ma request nila ang copy ng title, kaya nag bayad kami ng reservation sa pangako nila na 2 to 3 days makukuha na ang copy ng title. OK lang kasi 7 days naman bago ang full down payment.
By Monday need namin mag full down para ma avail ang discount na malaki din naman. Kaya Saturday palang panay na ang paalala ko sa wife ko na dapat ready na ang lahat, tawagan nya if nandon na ang copy ng title. Ngunit sa kasamaang palad Hindi daw nila maibibigay kasi na accident ang may hawak sa vault ng sta Lucia. Pero na request naman na daw. Medyo nagtaka kami. Ang isang giant developer na sta Lucia naka asa sa isang tao. Dahil na accident Hindi na sila makakapagbigay ng copy ng title.
Tuwing tatawag kami yon parin ang katwiran nila. Kasi naaksidente ang may hawak ng Susi. Na medyo mag iisip ka kung totoo o Hindi. Kasi sta Lucia ang pinag uusapan dito at Hindi maliit na developer.
Kaya humingi nalang kami ng number ng sta Lucia kung sino puede makausap don. Nag bigay naman. Ngunit sinabi ng ms Jackie na nong tumawag kami don lang nya nalaman ang problema regarding sa copy ng title. Ibig sabihin walang nag request. Nangako naman sya na gagawan nya ng paraan at ipadadala ito sa email ng asawa ko. Maghapon. Kami ng Monday naghintay sa email, pero nag ready na din kami ng check para sa full down payment.
Dahil simple lang ang gusto namin, ang makita ang title copy bago kami mag full down payment na nag promise din naman sila ng 2 to 3 days after ng reservation namin.
Walang nagpadala sa E-mail. Kaya disappointed kami. Pang 7 days kasi ang Monday para ma avail ang discount.
Tuesday 2pm na send sa amin ang copy ng title pagkatapos namin mag follow up Kay ms Jackie. Panay ang contact namin sa agent sa mga binigay nila na numbers walang sumasagot. Kami talaga Yong parang naghahabol sa kanila.
Tuesday pang 8 days. Alam namin na paso na Yong 7 days para ma avail ang discount kaya humihingi kami ng endorsement letter from agent na dapat ma avail parin namin ang discount kasi hindi naman kami ang may kasalanan.
Gagawa daw sila ng endorsement at ipadadala sa mag assist sa amin, yon din ang nag tripping sa amin na nagsabi na kahit bukas puede na kayo magbakod.
Na Hindi naman pala totoo, kasi need namin ipa survey muna na kami ang magbabayad.
Natuwa naman kami na tapos na ang problema. Ma avail parin namin ang discount, ngunit pagdating namin sa office ng sta Lucia para ibigay ang DP. Walang dalang endorsement letter regarding sa delay ng DP.
Ang sabi lang sa amin, OK na yon gagawan nila ng paraan basta mag DP na kami. Ang pinag aalala namin malaking company ang sta Lucia at ang lahat ay documentado, maaaring wala na kami discount pag nakita nila ang date ng reservation namin at ang date ng full dp na lagpas ng isang araw.
Ang promise sa amin ay verbal lang na Hindi namin mapanghawakan. At ang gusto nila kami pa ang sumulat kung bakit kami na delay sa down payment.
Nakakapagod din pala makipag usap sa mga taong Hindi nagpapahalaga sa ibang tao. Kahit gustong gusto namin ang property kung ganito naman klasing mga tao ang humaharap sayo. Sampung libo lang ang mawawala sa amin, kahit dugo at pawis namin ang puhunan upang kitain yon, handa na kaming mawala yon. Dahil lalabas bandang huli na kami ang may kasalanan kasi Hindi kami nag full DP after 7 days. Sana ang sta Lucia na maliit pa ako ay nakikita ko na, na talaga mamang napaka laking company, piliin nila ng mabuti ang mga taong humaharap para sa kanila.
Miyerkules, Mayo 25, 2016
Sabado, Enero 16, 2016
Biyernes, Enero 15, 2016
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)